Naniniwala ako sa kasabihang FIRST LOVE NEVER DIE.. dahil simula ng nakilala ko si Jesus noong September 03 2002 hanggang ngayon, Siya pa din ang laman ng puso ko at hinahanap hanap nito. Nung araw na yun damang dama ko ang pag-ibig ng Diyos, dahil sino ba naman ang makakagawa ang ialay ang sariling buhay para lang itubos ang aking mga kasalanan? Batid ko na hindi ako karapat dapat sa kanyang kaharian ngunit ganun pa man, ang Kanyang biyaya ay walang humpay. Sobrang naiinlove ako sa LOVE ni Lord.
Kaya nga mga mahal ko sa buhay, aking dalangin na maibahagi ko rin kung gaano ka kahalaga sa paningin ng Diyos, na kahit anong mangyari handa pa din Niya tayong tanggapin at mahalin ng buong buo. Ang hininhintay Niya lang ay ang ating paglapit sa Kanyang harapan.
No comments:
Post a Comment