Sunday, 1 April 2012

Hesus, Aking Diyos!



Hesus, Aking Diyos! simula ng Ika'y nakilala walang ibang nais ng puso kundi Ika'y makasama;
Sa piling mo'y puno ng pag-asa sapagkat, Ikaw ang Diyos na nagbibigay ligaya.

Hesus, Aking Diyos! habang ako'y patungo sayo, Iyong kaligtasa'y lage kong kasama;
Sa twina'y presensiya Mo'y nadarama, Ikaw aking Diyos tunay na pag-sinta.

Hesus, Aking Diyos! kaligtasan mo'y aking natagpuan na kailanma'y ayaw mawalay;
Dahil sa katapatan Mo'y hindi nagbabago noon pa man at magpakailanman.


Nagsulat: Mae Antonette R. Olivar
Noong: Marso 9 2012

No comments:

Post a Comment