Monday, 11 June 2012

Pagsasanay ng Kapatawaran


Naniniwala ako na ang bawat isa ay may taglay na kagandahang asal. Madalas tayong magtanong sa ating mga sarili, 
"Bakit nga ba may mga nakakasalamuha tayong sobrang hirap pakitunguhan, kahit anong buti ang ating ipakita?"
Ngayong gabi, gusto kong ibahagi sa inyo ang itinuro sa akin ng Panginoon na si Hesus, sa tulong Niya ipanakita  kung ano ang mga dapat gawin.

Unang Solusyon: Ipanalangin natin ang ating mga sarili na pununiin tayo ng pag-ibig na Banal na Espitito na nagmumula sa Diyos upang sa ganun ay bigyan tayo ng sapat ng pang-unawa na magpatawad sa sarili.

Pangalawang Solusyon: Ipanalangin natin ang mga taong nakakasakit/nakasakit sa atin upang sa ganun ay ang pagpapala ng Diyos ay dumaloy sa ating buhay. Isang dahilan ay upang makita nila ang pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng ating pamumuhay.

Laging Tandaan: Pagpapatawad at pagpapa-kumbaba ang susi sa magandang samahan. Ating isipin, tandaan at isapuso na sa ganitong pagkakataon mapapatunayan, kung gaano natin pinapahalagahan ang Diyos, sa pag-sunod sa kanyang salita na nasasaad.

Marcos 12:31

Ang Salita ng Diyos (SND) 
31 Ang ikalawang utos ay tulad nito ay: Ibigin mo ang iyong kapwa tulad sa iyong sarili. Walang ibang utos na higit na dakila pa sa mga ito.
Pagpapatawad ang magpapalaya sa ating mga sarili.
 Pagpalain tayo ng Maykapal.

1 comment:

  1. amen,,,sis.sweet
    hindi inalis ng Panginoon ang mga bagay na yan sa ating mga dinadaanan upang lagi tayong makapag-ingat sa ating paglalakbay dito tungo sa Kanyang glorya. We are travelers only while on this earth, not dwellers.

    " we are traveling on this world! we are on our way to heaven...only Christian can go there,,,so let us praise the LORD!!!"
    still remember the song?
    God bless
    pastor ver

    ReplyDelete